|
_______________________________________
pahabol sa shout 2007!! eto yung picture ng nakapartner ko nung asa GK bungad kami! FINALLY!!! shout power pose with Roselle aka D'voice!
kanina ang first day high.. as usual ayun, parang fiesta sa skul., andaming estudyante!! puro new faces., ang nagparami yung mga freshmens.. grabe nakakatawa lang, marami kasing nagsasabi na pangit ang bagong uniform ng girls. mas nagustuhan pa namin yung uniform dati., ngayon ay mukha na silang suman kasi parang naging mas fitted ung palda nila tapos yung blouse nila, binago ng konti, at mas lalo silang nagmukang medical student kasi naman nilagyan ng mga butones tapos nagiba yung style ng kwelyo pati tela. tsk tsk tsk., ala talaga magawa skul namin. hehehe. ANG pag-a-APARTMENT ngayun, di na ako uwian sa bahay. malayo kasi masyado sa skul at delikado narin kasi kadalasan ginagabi ako dahil sa mga activities ng YFC. kaya napag desisyunan ko na mag-apartment., kasama ko sa bagong bahay ang mga kaibigan ko ding mga YFC na sina ; Champ (evp,YFCFEU-EAC), Kuya Nick ( pres.,YFC-FEU), GJ (pres. YFC-Perpz) at si Edz (YFC-PUP,BelieveDanceCompany)! bale 5 kami sa bahay. malamang sa alamang, masisikipan kami sa bahay. kasi pang-sahan o pangdalawahan lang talaga ang apartment na yun. itsura ng apartment!? mejo makulit kasi may garahe kami pero wala naman kami kotse, tapos yung kusina namin nasa labas ng bahay(pero sa loob ng gate)., isipin niyo na lang, ala kami privacy sa kusina namin, pati pagkain namin may malupit na exposure sa mga dumadaan!? hehe. nasa Marzan street ang aparment namin na malapit sa Espana. at isang sakay ppunta't pabalik ng skul!?  
hanggang ngayon hindi ko parin alam kung makakatipid ako sa pag-aaparment ko kasi ilang araw pa lang kami dito!? pero sana diba!? makatipid!!!! yun lang mga blagero at kaibigans!!! godbless!
|