SHOUT 2007
Monday, June 04, 2007

FRESH Party July 27, 2007 (Friday)
yfc campus manila: Bahay ng Alumni, UP Diliman
_____________________________(announcement lang..)_
hehehe.. halos isang linggo akong hindi nakapag-internet at nakuwi sa bahay., kasi umatend ako ng SHOUT (Summer House Training)., yun eh ang pagtraining samin kung pano talaga i-lead ang mga kabataan patungo uli kay kristo.
nagsimula ito nung May 28 at natapos nung June 2, pero sa totoo lang Jun 3 na nag madaling araw.. ang mga umatend ay ang mga lider ng YFC sa WEST B sector ng manila. mga presidente, evp's, senior sisters, cluster heads, hpv's, at mga siga core. pero hiwalay ang SHOUT house ng Brothers sa Sisters. ung shout house namin ay sa may Champaca Street, Sauyo Novaliches. Una talaga, na-disappoint ako sa itsura ng bahay, para kasi siyang haunted house, madumi, walang tubig, at maliit kaya naging mahirap talaga ang buhay sa loob ng bahay. pero with the help of GOD, naging peace of heaven ang lugar na yun.
masasabi ko na yung isang linggong yun ay ang pinaka malupit, pinakamasaya at di-malilimutang linggo. para kaming nasa big brother house kasi may mga tasks din kami, andami at syempre meron ding kaukulang punishments - push ups, and sit ups. di ko malilimutang ang 200 na pushups!!! malamang sa alamang hindi namin kaya yun, kaya tulong tulong kami sa paggawa nun.
sa hapon ay mga workshops kami. tapos sa gabi puro sessions, at lahat ng ito ay naging personal sa amin. ang mga naging speakers namin ay ang malulupet na mga YFC Full Time Workers. nakaka-amaze ang mga kwento nila at nakakainspire. minsan nga nung shout, naisip ko kung may Calling ako na maging full time worker pero nagiging magulo parin kasi hindi ko alam kung Chosen din ako.
"many are Called, but few are Chosen."
bawat 5:30 ng umaga may daily worship kami, kaya kahit wala pang mumog o hilamos ay worship na agad, isa to sa mga dahilan kaya maganda ang araw ng bawat shout attendees. tapos sa gabi meron din! at feeling ko ay sobrang privileged ako kasi nagamit ko ang talent ko sa pagtugtog ng gitara sa mga worships!!!
mga tarush!!! mamimiss ko kayo:
Kuya Boris, Von, Paks, MJ, Ace, Ogie, Riki, Pao, Paskee, Myk, EJ, Renz, Gerald-TIP, Lee, Ver, Ronel, Marc, Fjordz, Livy, Lester, Gabz, Nicanor, Owen, Otep, Jamil, Jun, Ube, Jay-are, GJ, Anjo, Victor at ang buddy kong si Jason at mga chapter heads na dinala ni kuya lee, mga napadaan lang, mga coordinators, sisters ng west B, at mga taong di ko nabati, kasali din kayo jan!!!
bloggers! fjordz, ako and kuya mj!! LORDS DAY namin!!!
mga picture galing sa Kuya MJ at YFC Campus Based
GodBless
| fjordz June 5, 2007 01:02 AM PDT yes!!! natawa ako dun sa linyang tinawag mong haunted house ang shout house natin ah.. hindi ko naisip yun.. sa bagay gabi kami nang dumating dun.. hahaha... | ||
| mj June 5, 2007 12:21 AM PDT ngayon lang nag sink in lahat ng saya at tuwa ko ng buong shout sa pagtingin ko ng mga blog nio ni fjords, mulitply ni xena, livy at site ng yfc campus ni kuya erick. ingat.GB1! | ||
| Leave a Comment: |
Don't buy Vista Security
| Previous Entry | Home | Next Entry |













